Saturday, July 5, 2008

sasampahan mo ba ako ng kaso?

Dalawang taon na. Dalawang taon na kong palaboy laboy sa napakagandang recto para pumasok sa napakagandang unibersidad ng napakagandang republika ng Pilipinas. At ang daming pumapasok sa isip ko na malamang, sadyang hindi maganda.

Ano na? Nakuha ko na ang gusto kong course. Pinagaaralan ko ang mga gusto ko. Tapos ano na? Parang may kulang.

Gusto kong magsulat ng maraming maraming maraming salita, ng maraming maraming salita. Basta. Gusto kong magsulat.

Gusto kong magbasa ng maraming maraming libro. Lulunurin ko ang sarili ko ng maraming maraming libro hanggang sa matabunan na ang lahat ng mga ala-ala ko (drama?!). Kasi bonggang bongga yun. Bonggang bongga talaga yun.

Gusto kong magdrawing ng maraming marami. Idodrawing ko ang lahat ng emosyon na meron ako hanggang sa wala ng matira sakin. Ilalagay ko silang lahat sa puting papel hanggang sa balang araw titignan ko nalang sila at tatanungin sa sarili ko, “ano kaya ang peste nun?” at poof! wala na akong mararamdaman. Yipee!

Gusto kong kumain. Gusto kong gustuhing kumain. Yung tipong lalamon ako dahil GUSTO kong kumain.

Gusto kong mawala. Kahit isang linggo lang. Sige na. Please?

Gusto kong matutong makinig. Gusto kong makinig. Yun lang.

Gusto kong matutong magsalita. Oo, alam kong madaldal ako. Pero gusto ko pa rin magsalita. Magsalita. Magsalita ng may saysay naman at magmimistula akong intelehenteng nagaalok ng encyclopedia. Yung parang mga taong nagsasalita sa mall tapos maraming nakapalibot sa kanya habang pinanghihiwa niya ng prutas yung pinanghiwa niya ng yelo, ng tiles, ng bakal, ng kamay, etc.

Gusto kong maging makatotohanan. Hindi yung lahat ng emosyon dinidikit ko lang sa mukha ko. Parang robot. Parang makina. Automatic. Minsan walang kwenta.

Gusto kong mabuhay ng may dangal. Ng may puso. Ng may tamang pag-iisip. (kaechusan, kairita!)

Gusto kong maging normal. Kahit mga 50 years lang. Sige na. Please?

No comments: