Hindi ko maintindihan kung bakit parang nawalan ka na ng kapangyarihan saktan ako.
Hindi ko alam kung nawalan na ba ako ng pakialam, o nasanay na lang.
Kung anuman ang dahilan, parang masama sa pakiramdam na hindi na ko nasasaktan.
Binibigay mo saken ang mga bagay na hindi ko kailangan, pero IKAW lang naman sapat na sana.
Kaso parang huli na ang lahat.
Friday, April 30, 2010
Wednesday, March 17, 2010
Friday, February 26, 2010
Friday, January 15, 2010
ang kilay
Nitong mga nakaraang araw, madalas ako maghanap ng wala.
Nasira yung ribbon ng school shoes ko, at pag uwi ko ng bahay, sinabi ko kay ate na dikitan ung sapatos ko.
Sabi niya, nasan ang pandikit mo? (may tonong, ADIK-KA-PALA-EH-ANG-LAKAS-NG-LOOB-MO-MAGPADIKIT-WALA-KA-NAMANG-PANDIKIT)
Nasupalpal ako.
At pagtapos ay tumingin ako sa salamin,
Nakita ko yung nakakayamot kong kilay na inahitan ng baklang muntik ko ng di matantiya na nagmake up saken para sa grad pic. May tumutubong maliliit sa lugar na inahit at ang panget panget panget tignan. Ay, napakapanget.
Kaya binulabog ko ang bahay namin para maghanap ng tyane. Antagal ko naghanap, bumuo pa ko ng team, si ate at ang kapatid ko, at naalala ko, wala nga palang gumagamit ng tyane samen. Kaya malamang wala kaming tiyane. Nakakairita. Ang bright bright ko.
At napilitan ako kayurin ng mapurol na blade yung kilay ko,
At habang nagkukudkud aku gamit ang blade, sinigaw ng kapatid ko sa tatay ko,
“DADDY OH! SI ACHIE NAGLALASLAS NG KILAY!”
At syempre sinigawan ako ng tatay ko, “ANONG GINAGAWA MOOOOOOH BATA KA!”
At syempre ay binunton ko sa shobe ko ang PAGKAYAMOT ko.
At nagmukmok na lang ako. Dun sa sulok.
Maya maya pa ay nilapitan ako ng tatay ko at sinabing, “anu bang nangyari sa kilay mo?”
“E kasi yung nagmake up sakin eh.”
“Ginulo yung kilay mo?! ANG GANDA GANDA NG KILAY MO TAPOS PINAGALAW MO??! SUS! ANG GANDA GANDA NG KILAY MO TAPOS SINAYANG NIYA LANG! SUS!”
Akala naman niyang napakaganda ng kilay ng anak niya, e mas matagal pa ngang nagconcentrate yung malditang baklang yun na kamukha ni ***** kesa lagyan ng lipstick ung labi ko. At para mapatunayan niyang panget ang kilay ko, pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa upuan niya, ay yun ang unang una niyang pinagdiskitahan.
Thanks Daddy yo, pambihira ka talaga. Buti na lang may mga bagay na hindi na kelangang hanapin. :p

Subscribe to:
Posts (Atom)