Tuesday, December 8, 2009

trifle

My professor was discussing about psychology of peace and predictably my mind was busy wandering and MOPING into another world. However, the topic started to make sense with my present situation and my own ears brought me to listen to what she was saying, and her words stabbed me hard, right in my chest.

“Why was it easy, when we were kids to say sorry? And now that we are adults, parang dyahe na.”


Why the words killed me was not because I found it hard to say sorry, but it occurred to me that I was not growing up. In my little world, where no one understands me, where no one knows who I really am, where I am overwhelmed by my own insecurity and driven by feelings of inadequacy, I would always find myself in a corner mouthing SORRY.

If the next paragraph has something to do with my sentiments above, I am not sure.
Every thing that I LOVE doing – every big thing that happens to me – turns out to be a disappointment. Why misery has been coming and going is because everytime I find something that sets me afire, something that thrills me, would later turn out to be the reason of despair.

And I am starting to be afraid. Just afraid.
I am losing everything. More often than not, i lose those (that, who) have built a special place in my heart.

Monday, November 30, 2009

hindi daw natitiis ng blank ang blank

Madalas mong sinasabi sakin na pinagsisisihan mo na nagasawa ka ng maaga. Hindi mo ba iniisip kung anong nararamdaman ko tuwing sinasabi mo yun? AKO ang dahilan kung bakit ka nagpakasal. Ang chaka noh.


Gayunpaman, sinabi ko sa sarili ko na gusto kitang tularan. Paglaki ko (malaki na ko) gusto kong tularan ang mga mabubuti mong ginawa sa pamilya mo. (Yung mabuti lang) Isa kang pambihira. ikaw ang dahilan kung bakit aku ganito ngayon. Pero hindi kita pinagsisihan, dahil kung magkakaroon man ng kapangyarihang mamili, ikaw pa rin ang pipiliin ko.


Lagi niyang sinasabi na madalas ka niyang nakikita sa skul, pero akala lang niya pala. Lagi niyang napagkakamalan ang ibang tao na ikaw, akala niya sinorpresa mo siya at susunduin mo siya, at tuwing tatawagin ka na niya, maiisip niyang hindi pala ikaw yun, at umuuwi siyang dismayado. Ganun ang pangungulila niya sayo, at ginawa ko ang lahat para punan yun, peru ikaw ang kailangan niya.


Kung iniisip mo na galit ako sayo, nagkakamali ka. Kasi kahit ako, nagugulat sa sarili ko na hanggang ngayon, sa kabila ng mga kalansay sa aparador, ay patuloy kitang minamahal. Naisip ko, siguro kaya ako ganito ngayon, dahil pinagsama ko ang mainit at malamig na tubig sa isang timba. at alam mo na kung anung naging bunga.


At kahit ngayong hindi mo na ko kilala, at hindi mo alam na hindi ako kumakain ng pechay baguio, habang buhay parin akong mangungulila sayo. sa mga panahong inaamo mo ako, noong hinahayaan mo kong magmaldita, noong hindi mo ko matiis na hindi bilhan ng laruan, noong pinapasalubungan mo ako ng paborito kong pagkain, noong inaabot tayo ng hating gabi sa paglalakwatsa, noong napupuyat ka sa pagpaypay sakin tuwing brownout, noong nagaalala ka noong mga panahong naging sakitin aku, noong ikaw pa ang gumagawa ng project ko, hanggang noon na lang. at hindi na maibabalik ang noon, dahil iba ang pangarap mo sa pangarap ko.


Maligayang kaarawan. sana sabay tayong nagdiriwang ngayon, pero may mga bagay talaga na hanggang pangarap na lang.

Wednesday, November 4, 2009

ties


congratulations at first honor ka nanaman :p

kanino ka pa ba magmamana,
symepre hindi sakin,
pero gusto ko lang na nasa eksena ako,

kaya, sana kahit mali mali ang turo ko sa mga assignments mo,
at kahit hindi ko na maalala ang mga pesteng radical signs sa math,
at hindi ko masagut kung paano ba makakapagmasturbate ang mga lalaki ng hindi nagiisip ng kalaswaan,
at hindi ko rin alam kung bakit ka pinagbabasa ng mga titser mo ng mga kwentong wala namang kinalaman sa buhay mo
sana kahit papano naman, nakakatulong ako sa pagaaral mo :p

gusto ko lang magpasalamat kasi umabot tayo dito.
mahaba haba narin..
alam mo na kung anung ibig kong sabihin.

naalala ko nung pinagalitan kita dati,
kasi dalawang beses mo ginagamit ung bra mo,
sinabi mo na, gusto mo lang makabawas sa tambak na labahin ko (nung mga panahong nasira ang ating washing machine)
d ko pinahalata pero natats aku dun,
pinagalitan parin kita, kasi ayokong maawa sa sarili ko,
at ayokong isakripisyo mo ang pagpapalit mo ng bra! bruha kang bata ka!

pero salamat.
kasi hindi ka naging pabigat, nagaaral kang magisa.
alam mo namang nabobobo ko pagtinatanong mo ko tungkol sa mga assignments mo,
at salamat,
tuwing pinagpapasensyahan mo ang mga KAABNORMALAN ko,
at salamat,
tuwing inaapreciate mo ang mga palpak kong luto,
tulad na lang din kanina, dun sa ginawa kong refrigerated cake, kahit malutong pa yung sky flakes,
sarap na sarap ka parin.
nung pinintasan ni daddy,
sabi ko, "nakakahurt ka naman, ginawa ko yan with all my might"
at sabi mo. "with all your might lang? nasan ang heart?"

naisip ko,
siguro kaya nawawalan ng saysay ang mga ginagawa ko ngayon kasi may nawawala.
yung heart ko. (kinuha ni marlin, joke:p)

salamat.
kasi ang dami mong tinuro sa akin.
at lagi mo kong nililibre ng meryenda,
kasi lagi akong walang pera.

sabi ko nga sayo, ikaw na lang ang ate, ano ikaw na?

Monday, October 19, 2009

palala na ko ng palala.

naglalakad tayo.

may tinanung ka.
sinagot ko.

huminto ka sa paglalakad.
parang ayaw mo na kong pakinggan.

nagpatuloy ako sa paglalakad.

hindi ko alam kung sinong nang-iwan.
ikaw ba o ako.







ang akin lang
hindi mo man lang tinanong kung bakit ganun ang nararamdaman ko.

Sunday, October 4, 2009

ang problema sa mga nasasanay

ang bilis naman.

parang hindi na ako kilala.

Friday, October 2, 2009

maybe next time

I AM really upset today because Air Supply will be playing tonight in Araneta Coliseum but I cannot come.

Actually, I almost forgot about it. I tried burying it in my unconscious two days ago, accepting the fact that it would be impossible for me to go to the concert and sway my hands as Hitchcock and Russell sing Here I am, playing with those memories again…


Anyway,


But my dad unintentionally EXCAVATED my unconscious when he turned on the player and put on his PIRATED DVD – the live concert of air supply somewhere in keberkeber. (My dad’s fond of watching concerts in pirated dvds, but thanks to those, I got acquainted with the bee gees, Chicago and some old men whose stage names I forgot.) The feeling of disappointment ravaged into my brain anew, and once again, the wound that has been closed was ripped open, exposing blood and flesh of dismay.


“Dad, I am going.”

“NO.”

“I want to go.”

(iling iling)


And my fantasy ended.


Two weeks ago, I was so excited and my friends would tease me and say, “mukha ka ng air supply”. I could not contain my fascination and I really anticipated this day, and I tried to drag my friends (and non friends) to come with me. But they would say, “mas manunuod pa ko kay katy perry”. (Katy perry’s concert was cancelled anyway).


The prices of the tickets were quite reasonable and I was able to convince Zoeh and Xana to come with me. But for some vague reasons, I could not come. I COULD NOT COME (sobbed).

Once, Miley asked me why would I want to watch such a classic, I simply said, “Gusto ko lang sila mapanood bago sila mamatay.” I really wanted to. They have these amazing voices and they sing beautiful lyrics. I just wanted to be a part of their (whatever), and be able to watch them and listen to them (LIVE at the araneta coliseum).


Maybe next time.


Goodbye Air Supply.

How I celebrated my 20th birthday – in the realm of Tondo.

Nagsimula ang araw na to ng malungkot.(september 26,27)

Unang nakakalungkot ay 20 na ko, di pa ko ready. Eto na ang last year ko ng pagiging adolescent. I AM NOT YET A WOMAN! (nora aunor accent)

Pangalawa ay walang laman ang aking bulsa.

At pangatlo ay inabot ako ng birthday ko sa labas ng bahay namen.

Pero nasa loob parin ako ng bahay. Bahay nga lang ng iba.

Sa tahimik street, oo, kela renzie – ang pinakamaingay kong kaibigan. (weird)

Saturday ng hapon ay nalugmok kami sa putik at nilamon kami ng mga basura sa divisoria. (O.A.)

Ang totoo nyan, kami nila april, caren, at james ay lumangoy sa recto, sa divisoria at dun sa tahimik street.

Nakarating naman kami ng buhay, kahit nagmistulang umahon kami ni caren sa swimming pool, imaginin mo na lang kung anung itsura mo pagsumisisid ka sa pool, tapos pag ahon mo pupunasan mo yung ilong at yung bibig mo para di mo mahigop yung tubig. At tutulo ng madrama ung mga butil ng tubig sa gilid ng mukha mo. Like that.

Napagdesisyunan ko ng isara yung payong na dala ko kasi baka masira, at pagnagkataon ay malilintikan ako kay Chona (nickname ni shobe ^.^) . Habang madrama kaming lumalaban sa hangin dun sa malawak at karumaldumal na sinapit ng divisoria (karumaldumal na nga yun pag walang bagyo, panu pa kaya ngayon?!), at habang nagliliparan yung mga peyong dun, akala ko tatangayin na kami ng hangin, like ON air ba. lumalakad kami ng parang astronaut. At biglang may dumikit sa binti ko na kung anung NaKAKADIRING bagay, oh my, kala ko linta. Like dahon lang pala. Tumili pa ko ng malanding tili.

At ayaw na kaming pauwiin ng mga butihin naming mga magulang.

At kela renzie na kami nagpatila ng ulan.

Kung nagtataka ka kung bakit ako nasa labas ng bahay habang state of calamity ang barangay nila Angel, Jackie at Miley, yun ay dahil sa ginagawa naming documentary film sa Filipino psychology. Actually, hindi ito tungkol sa kung anung itsura ng tondo o ng recto habang nilalapastangan ni super typhoon ONDOY, bagkus ang docu film namin ay tungkol sa mga BAKLITANG PINOY. (weird)

Nang makarating kami sa labas ng bahay nila renzie (1pm ata), lumangoy parin kami, pero slight na lang. we survived after all (yippee!).

Since MAYAMAN sila renzie, salamat po sa freebies na natanggap namin. Yung violet na underwear at yung orange na bimpo at yung pink na toothbrush. So much.

Thank you din sa spam at sa fruit and nut toblerone. The best.

Sa kabila ng komportableng bahay nila renzie at sa masasarap na pagkain, hindi namin nagawang magenjoy to the nth level, dahil ang aming mga mahal sa buhay ay nasa gitna ng kalamidad. Gumuho ang bahay ng ate ni caren. Ang lolo’t lola kong nakatira sa provident village ay hindi nasulyapan si cristine reyes, pero nasa bubong din sila. So sad. Mamamatay na ko sa pagaalala sakanila.

Lumubog ang c.r nila angel at nangayayat ata siya ng KONTI. Nagmistulang kare kare daw ang subdivision nila Jackie, at kaming lima ay nagkwekwentuhan ng mga isyung pag-ibig, saksi ang apat na sulok ng kwarto ni renzie.

brown out kela renzie, at bago kami matulog ay nagwish aku at hinipan yung malaking kandilang ginamit namin, (yung pangsementeryo) ui joke lang ha. (cool)

at yun ang dispiras ng aking birthday.

At paggising ko ay birthday ko na. tenen. Unforgettable.

11am na kami nakaalis sa bahay ni renzie. Salamat sa ham spread.

Uwing uwi na ko kasi birthday ko nga.

At gusto ko ng kamustahin ang lolo’t lola ko. (sa kabutihang palad ay maayos na ang kanilang kalagayan.)

NGUNIT!

Ngunit paguwi ko ay wala doon si nanay at wala doon si tatay, at katulong lang ang naghihintay. Pero andun si chona, kaso kumain na siya eh (hikbi).

So mag isa akong naglunch.

Naiiyak pa ko kasi di naman brown out samin, pero sira naman ung electric fan namin.

Ang inet inet.

At ang inet ng ulo ko.

Kaya natulog na lang ako pagtapos kong tawagan ang mga mahal ko sa buhay.

Ginising ako ni dad nung hapon. Maggrocery daw kami, ipagluto ko daw ung sarili ko ng spaghetti. Deh joke lang, di niya sinabi yun. Sabi niya lang maggrocery kami at bibili kami ng panluto ng spaghetti. At ng mga sabon, at kagamitan. Panic buying ba.

So nakarating kami sa supermarket at pihikan akong namili ng bibilhin.

Ng makarating na kami sa counter, at ng magbabayaran na, ehem, di umubra ang credit card ng aking ama. Kaya binigay niya ang isa pa. buti na lang maginaw there at hindi ako pinagpawisan sa hiya, kasi di parin umubra ang pangalawang credit card. Like that!

Panu kasi ng lumusong si daddy sa baha, ay nabasa din ang kanyang wallet, so nabasa din ang kanyang credit card.

So yun na nga.

Walang cash si ama. Tumataginting na 200 pesosesoses lamang ang kanyang dala. 6 bags yung pinamili namin, umabot ng mahigit chorva at sabi namin babalikan na lang namin, oh my, pero di na kami bumalik kasi sira na nga yung credit card eh! So umalis na lang kami.

At walang spaghetti. Wala.

Pero okay lang yun. That’s life.

Pero

Pero.

Natapos ang araw ko ng nakangiti dahil bago aku natulog ay nakita ko ang napakagandang comment ng shobe ko sakin. So wonderful.

That was how I spent my 20th birthday.

Sabi ko last week, palilipasin ko lang bilang isang ordinaryong araw ang birthday ko. Bute nalang hindi ako masyadong umasa, kaya hindi ako masyadong na-uhm

Nabibilang sa daliri sa kamay at paa ang mga nakaalala.

Naiinintindihan ko naman kasi busy sila sa paghalukay ng mga kagamitan nilang napinsala ng baha. Baka nawala sa isip nila. O baka hindi lang talaga nila alam (hehe)

Masasabi ngang trahedya ang nangyari sa buong maynila, at karatig lalawigan dahil kay ondoy.

Pero kagabi ay bumaha ng panalangin sa langit, nakakaalala lang talaga pagmay kailangan ano?

Kahit na madalas mong kinaiinisan ang mga kasama mo sa bahay at ang mga kaibigan mo, kahit papano inalala mo parin kung ano na kaya ang kalagayan nila.

Habang magkakahiwalay kayo sa gitna ng kapahamakan, naisip mo na hindi ka pa pala handang mawala sila. (sobrang cheesy).

Kagabi ay muling nabuhay ang mga katagang naitago na sa baul, at ang mga pangungusap na bihirang masambit.

Friday, August 14, 2009

sayang.

ikaw ang nagturo sakin magluto, sabi mo na minsan sumasarap ang luto pag may cooking wine.

hinahanap hanap ko ang luto mo. halos lahat ng niluto ko nilagyan ko ng cooking wine, mapa adobo, mapa ginisang sayote, nilalagyan ko ng cooking wine. muntik ko na rin lagyang ang ginisang monggo, pero hindi ko nahanap ang lasang hinahanap ko.

kasi hindi lang pala yung luto mo ang hinahanap hanap ko. ang gusto ko rin kasi kasabay kang kumain sa lamesa araw-araw, habang pinaghihimay mo ko ng manok, habang pinagbabalat mo ko ng hipon, habang pinapasa mo sakin ng hindi ko alam ang kaning hindi mo na maubos, habang pinagtatanggal mo ko ng buto ng ubas, habang inaangkin mo ang paghuhugas ng mga kaldero, habang kinukwentuhan mo kami ng kung anuano,

habang nung ganado pa kong kumain.

hindi na ko masyadong magrereklamo tuwing ppaglilinisin mo ko ng bahay.

hindi na ko magaalinlangan tuwing isasama mo kong mamalengke. kahit araw araw pa, kahit araw araw mo pa kong gawing tagabitbit mo.

hindi na ko masyadong aangal kung gusto mo kong samahan sa school, kung pwede lang, lagi mo kong susunduin tapos ako naman ang manlilibre sayo ng meryenda.

hindi na ko masyadong magbubugnot. magmumukmok. tuwing hindi ko gusto ang ginagawa mo.

wala dito. wala sa post na to ang mga gusto kong sabihin sayo. pero kung makakarating man to sa kalawakan mo, sana alam mo na laging masakit ang lalamunan ko dahil sayo.

mahal kita. sobra sobra.

Tuesday, June 16, 2009

ui

namimis na kita.

kung nandito ka lang, susuotin ko ang puti kong uniporme kahit ayaw ko para lang makita mo kung anung itsura ko sa pinatahi mo.

dito ka na lang.

Pangarap kong maging selfess

Ngayong bakasyon,

Natutunan kong kalimutan ang lahat ng mga sakit ng nakaraan at balewalain ang sakit ng hinaharap at magkunyaring okey lang ang lahat. (the best to, pramis)

“We’re fine people.”

- Grey’s anatomy


Natutunan kong huwag makialam sa mga bagay na ikasasama ko lang ng loob kasi yun yung turo niya sakin.


Natutunan ko na hindi naaayon sabihin na hindi sila ang may pinakamatinding problema sa buong mundo, at normal lang ang nangyayari sa kanila tuwing nakararanas sila ng matinding pighati dahil hindi yun ang kailangan nilang marinig, at dahil simpatya ang kailangan nilang maramdaman.


Natutunan ko na maling tumaya sa lotto pag may natanggap sa spam folder na anim na numero at sinasabing ito ang lucky number ko. Nasayang lang ang sampung piso ko.


Natutunan ko na huwag ng problemahin ang mga problema ko, maliban na lang kung terminal cancer na ito. Sayang ang miles.


Natutunan kong hindi humiga sa kama hanggat walang matinding antok, dahil baka umiyak lang ako.


Natutunan ko na hindi ko kayang magbigay ng kasiyahan sa mga taong mahal ko :D


Natutunan kong huminga ng malalim para mapigil ang luha. Words of wisdom galing sa kapatid ko. (This is cool)


Natutunan kong maging matigas, kasi kung hindi baka naging multiple personality na ko.


Natutunan ko na masaya palang may inaabangang teleserye sa t.v., kasi may isang bagay na inaabangan ko. ( ang gulo neto.)


Natutunan kong sumuko.


Natutunan kong mangulila.


Natutunan kong magpatawad araw araw kasi mahal ko sila.


Thursday, May 14, 2009

ano ba ang dapat kong maramdaman?

Ayoko ng dumating ang hatinggabi.
Ayoko ng dumating ang araw ng sabado at linggo.

Ayoko ang oras kung kelan kumpleto.

Hindi tayo naglalaro ng base bahay.
Pero bakit palaging may burot
Bakit palaging may nagrereklamo.
Hanggang sa ang lahat ay umuuwing may bakas ng luha sa pisngi, peru hindi dahil sa peklat sa tuhod. Nagsisisihan lang. Nagtuturuan lang.

Bakit pinasok, kung hindi naman kayang panindigan.

Pinuno na ng kamalian. Maling mali.

Nakakawalang gana.
Parang nauulit lang ang mga episode sa teleserye ko.
Pero hindi walang bida dito, lahat biktima.
Lahat madrama.

Kinagat aku ng ahas sa nilalaro kong snake and ladders,
Bumaba lang uli ako sa: Para, Gusto ko ng Bumaba. ( e panahon pa ni pilosopo tasyo tong post na to.)
Parang naulit na to ah?
Oo, binaun ko na kayo sa limot.
Pero anung magagawa ko, MAHAL NA MAHAL NIYO KO EH.
ANG SARAP NAMAN SA PAKIRAMDAM.

Wednesday, March 11, 2009

wag kang magalala wala akong gayuma!

sinabi ko sa sarili ko, kung magkakaroon man aku ng pagkakataon para gayumahin ang PINAKAMAMAHAL ko, hinding hindi ako gagamit ng gayuma, dahil ayokong mahalin niya ko sa ganoong klaseng paraan.

pero kung pwede kong gayumahin ang nanay ko para mahalin ulit ang tatay ko, gagamitin ko ba ang pagkakataon na yun?

magiging masaya ba ako?


o sa bandang huli lolokohin ko lang ang tatay ko at ang nanay ko at ang sarili ko?

Wednesday, February 25, 2009

maikling kwentong may kwenta ba?

My Dad was impotent and my Mom was a nymphomaniac. And me – where on earth did I come from?

A putrid smell rolled up to my nostrils as I walked toward the gate of my house, giving me another headache. I didn’t know if it was because of the pile of garbage nearby, or if it was just my imagination. Hell. How I hate this place. If I could only be taken away, and I would be gone and set free.

There were times that I just wanted to cry out loud and explode, to air my feelings and burst into tears. The wound was growing deeper and I wanted to ask questions that for sure would offend my parents. What has happened?

I was five when I remember I first saw my mother hanging out with different men each night. My Dad did nothing but watch T.V. My Mom would always be out after dinner doing God-knows-what. And every morning, I woke up with my Mom cooking breakfast wearing the clothes she wore the night before, and my Dad would just be reading the newspaper. Twelve years of life in hell, my life went on like that, and the only explanation I got was the time when my Mom got drunk, she told me that my Dad was impotent while she, was a pathetic nymphomaniac.

And I saw everything. As I grew up, I saw how my father struggle every time my Mom would reluctantly satisfy her need. They were hopeless, trying to fight a battle they knew they could never win. They didn’t want it, but they were too weak to resist it. My Dad had always wanted to respond to my Mom, but his impotence would not do him a favor. My Mom would want no one to be with but my Dad, however, this family boldly bloomed in beautiful imperfection, her flesh would not stop groaning and all she could do was feed it. Feed it. My Dad wanted to feed and my Mom wanted to be fed, a thing they could never do with each other.

My mind was filled with confusion, desperate of explanations. Silence has conquered my house, inhabited by mute creatures that were robbed out of tongues, no one ever dared to talk about it. I could not understand, my parents were treating each other as if everything was perfect, as if everything was going on normally, but my Mom, my Mom has gone out with like, almost all the men in the world? So I went on moping around the house full of apathy everyday, burying myself of all the emotional torture I could ever imagine. Self pity I supposed. I was hurt. I hated my parents, and distanced myself from them. I didn’t want to get any closer to them for there was a deep torment inside me. How could this happen?

They don't know that I go running home when I fall down.

Where was my home supposedly? Where was the home that was supposed to be my refuge when I got burn out wrestling with the outside world? Where was the home that was supposed to be my dwelling place and my source of help? Where was my strength?

The putrid smell that rolled up in my nostrils had made me realized something. I was tired of this. I needed to run away. Far away from home, I went away.

They don't know who picks me up when no one is around.

Where was this all going? When would I be used to it? I got tired of fighting with the reality. Acceptance was hard and painful, I could just not stop crying my heart out.

Cause deep inside this armor, the warrior is a child.

When would they consider that I needed understanding? I was starting to lose myself, hanging by a thread.

But the more I tried to protect myself, the more I felt alone, the more I felt that I was all by myself. Yes, I escaped a family of losers, I have done what I wanted, but I did not get the feeling that I needed. I could not understand why there were things that we desperately wanted to get, and not until we have it, we would not realize that it was not what we really needed after all. And this running away thing haunted me down. My parents, I took them for granted. I did nothing but complained, seeing only the things that broke my heart. I kept on wishing for an ideal family, I did not see how my parents struggle to give me one.

I drop my sword and look up for His smile. Because deep inside this armor, the warrior is a child.

My parents have been fighting a battle that they have been losing for many years. And me, this time, I need to fight with them too. A warrior was not to give up. A warrior was to please his King. I was born to win this battle, whatever it would take.

I came back.

My Dad was impotent, and my Mom a nymphomaniac. And I still did not know where I came from, but I knew where I belonged.

Sunday, February 22, 2009

true or false.

sabi nila pagmalaki ka na alam mo na ang tama at ang mali.

akala ko alam ko na. hindi pa rin pala. bakit may mga bagay pa rin na hindi ko malaman kung kailan sila nagiging tama, at kung kailan sila nagiging mali.

Wednesday, February 4, 2009

open sesame

Suddenly.

Something flooded into me. Something I could never understand. Something I could never imagine. Something I wished never happened.

I groped for answers. For answers. And to hell with my I-don’t-knows.

System paralyzed. Over and over.

Stop it.

It made me want to scream.

To burst.

To explode.

And when happiness seemed to be a vapor. A vapor.

Something that I could see. But could not grasp.

And when.

Until when.

Did nothing but pierced me.

Impaired.

Embracing stupor.

Please. Spare me.

I.

I am fading away.

Hanging by a thread.

Thursday, January 29, 2009

nakabitin na lang ako.

wag akong magreklamo.

ako din naman ang humiling nito.
di ko lang akalain na hindi ko magugustuhan ang kahihinatnan ng kahilingan ko.