Friday, October 2, 2009

How I celebrated my 20th birthday – in the realm of Tondo.

Nagsimula ang araw na to ng malungkot.(september 26,27)

Unang nakakalungkot ay 20 na ko, di pa ko ready. Eto na ang last year ko ng pagiging adolescent. I AM NOT YET A WOMAN! (nora aunor accent)

Pangalawa ay walang laman ang aking bulsa.

At pangatlo ay inabot ako ng birthday ko sa labas ng bahay namen.

Pero nasa loob parin ako ng bahay. Bahay nga lang ng iba.

Sa tahimik street, oo, kela renzie – ang pinakamaingay kong kaibigan. (weird)

Saturday ng hapon ay nalugmok kami sa putik at nilamon kami ng mga basura sa divisoria. (O.A.)

Ang totoo nyan, kami nila april, caren, at james ay lumangoy sa recto, sa divisoria at dun sa tahimik street.

Nakarating naman kami ng buhay, kahit nagmistulang umahon kami ni caren sa swimming pool, imaginin mo na lang kung anung itsura mo pagsumisisid ka sa pool, tapos pag ahon mo pupunasan mo yung ilong at yung bibig mo para di mo mahigop yung tubig. At tutulo ng madrama ung mga butil ng tubig sa gilid ng mukha mo. Like that.

Napagdesisyunan ko ng isara yung payong na dala ko kasi baka masira, at pagnagkataon ay malilintikan ako kay Chona (nickname ni shobe ^.^) . Habang madrama kaming lumalaban sa hangin dun sa malawak at karumaldumal na sinapit ng divisoria (karumaldumal na nga yun pag walang bagyo, panu pa kaya ngayon?!), at habang nagliliparan yung mga peyong dun, akala ko tatangayin na kami ng hangin, like ON air ba. lumalakad kami ng parang astronaut. At biglang may dumikit sa binti ko na kung anung NaKAKADIRING bagay, oh my, kala ko linta. Like dahon lang pala. Tumili pa ko ng malanding tili.

At ayaw na kaming pauwiin ng mga butihin naming mga magulang.

At kela renzie na kami nagpatila ng ulan.

Kung nagtataka ka kung bakit ako nasa labas ng bahay habang state of calamity ang barangay nila Angel, Jackie at Miley, yun ay dahil sa ginagawa naming documentary film sa Filipino psychology. Actually, hindi ito tungkol sa kung anung itsura ng tondo o ng recto habang nilalapastangan ni super typhoon ONDOY, bagkus ang docu film namin ay tungkol sa mga BAKLITANG PINOY. (weird)

Nang makarating kami sa labas ng bahay nila renzie (1pm ata), lumangoy parin kami, pero slight na lang. we survived after all (yippee!).

Since MAYAMAN sila renzie, salamat po sa freebies na natanggap namin. Yung violet na underwear at yung orange na bimpo at yung pink na toothbrush. So much.

Thank you din sa spam at sa fruit and nut toblerone. The best.

Sa kabila ng komportableng bahay nila renzie at sa masasarap na pagkain, hindi namin nagawang magenjoy to the nth level, dahil ang aming mga mahal sa buhay ay nasa gitna ng kalamidad. Gumuho ang bahay ng ate ni caren. Ang lolo’t lola kong nakatira sa provident village ay hindi nasulyapan si cristine reyes, pero nasa bubong din sila. So sad. Mamamatay na ko sa pagaalala sakanila.

Lumubog ang c.r nila angel at nangayayat ata siya ng KONTI. Nagmistulang kare kare daw ang subdivision nila Jackie, at kaming lima ay nagkwekwentuhan ng mga isyung pag-ibig, saksi ang apat na sulok ng kwarto ni renzie.

brown out kela renzie, at bago kami matulog ay nagwish aku at hinipan yung malaking kandilang ginamit namin, (yung pangsementeryo) ui joke lang ha. (cool)

at yun ang dispiras ng aking birthday.

At paggising ko ay birthday ko na. tenen. Unforgettable.

11am na kami nakaalis sa bahay ni renzie. Salamat sa ham spread.

Uwing uwi na ko kasi birthday ko nga.

At gusto ko ng kamustahin ang lolo’t lola ko. (sa kabutihang palad ay maayos na ang kanilang kalagayan.)

NGUNIT!

Ngunit paguwi ko ay wala doon si nanay at wala doon si tatay, at katulong lang ang naghihintay. Pero andun si chona, kaso kumain na siya eh (hikbi).

So mag isa akong naglunch.

Naiiyak pa ko kasi di naman brown out samin, pero sira naman ung electric fan namin.

Ang inet inet.

At ang inet ng ulo ko.

Kaya natulog na lang ako pagtapos kong tawagan ang mga mahal ko sa buhay.

Ginising ako ni dad nung hapon. Maggrocery daw kami, ipagluto ko daw ung sarili ko ng spaghetti. Deh joke lang, di niya sinabi yun. Sabi niya lang maggrocery kami at bibili kami ng panluto ng spaghetti. At ng mga sabon, at kagamitan. Panic buying ba.

So nakarating kami sa supermarket at pihikan akong namili ng bibilhin.

Ng makarating na kami sa counter, at ng magbabayaran na, ehem, di umubra ang credit card ng aking ama. Kaya binigay niya ang isa pa. buti na lang maginaw there at hindi ako pinagpawisan sa hiya, kasi di parin umubra ang pangalawang credit card. Like that!

Panu kasi ng lumusong si daddy sa baha, ay nabasa din ang kanyang wallet, so nabasa din ang kanyang credit card.

So yun na nga.

Walang cash si ama. Tumataginting na 200 pesosesoses lamang ang kanyang dala. 6 bags yung pinamili namin, umabot ng mahigit chorva at sabi namin babalikan na lang namin, oh my, pero di na kami bumalik kasi sira na nga yung credit card eh! So umalis na lang kami.

At walang spaghetti. Wala.

Pero okay lang yun. That’s life.

Pero

Pero.

Natapos ang araw ko ng nakangiti dahil bago aku natulog ay nakita ko ang napakagandang comment ng shobe ko sakin. So wonderful.

That was how I spent my 20th birthday.

Sabi ko last week, palilipasin ko lang bilang isang ordinaryong araw ang birthday ko. Bute nalang hindi ako masyadong umasa, kaya hindi ako masyadong na-uhm

Nabibilang sa daliri sa kamay at paa ang mga nakaalala.

Naiinintindihan ko naman kasi busy sila sa paghalukay ng mga kagamitan nilang napinsala ng baha. Baka nawala sa isip nila. O baka hindi lang talaga nila alam (hehe)

Masasabi ngang trahedya ang nangyari sa buong maynila, at karatig lalawigan dahil kay ondoy.

Pero kagabi ay bumaha ng panalangin sa langit, nakakaalala lang talaga pagmay kailangan ano?

Kahit na madalas mong kinaiinisan ang mga kasama mo sa bahay at ang mga kaibigan mo, kahit papano inalala mo parin kung ano na kaya ang kalagayan nila.

Habang magkakahiwalay kayo sa gitna ng kapahamakan, naisip mo na hindi ka pa pala handang mawala sila. (sobrang cheesy).

Kagabi ay muling nabuhay ang mga katagang naitago na sa baul, at ang mga pangungusap na bihirang masambit.

1 comment:

drama_kwin said...

beleyted hapi bertday! :) unforgettable at kakaiba nga.hehe