Alas-kwatro. Nalunod ako sa hangin na nakakulong sa bahay ng lola ko, kaya’t nagpasya kong makipagkita sa matalik kong kaibigan.
Nakarating ako sa napakagandang bayan ng Novaliches pagkatapos ng walang hanggang paglalakad patungong sakayan ng jeep. Wala ang anino ni Rosalie, ilang minuto pa ay nagkalad ako patungong SB Plaza (ang mahusay na tourist spot ng bayan ng Novaliches, na ayon sa aking reliable source ay pugad ng mga gangster).
Habang ako ay naglalakad, may isang dambuhalang Aleng humablit sa aking kamay. Dinakma niya ang aking pagkatao at sinabing
“Miss! Halika! Tignan mo yung promo namin! Kahit di ka bumili tignan mo lang Miss! Sige na Miss!
At nalagpasan ko ang pagsubok na ito. Grabe ang scary.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa mahusay na plaza. Napili kong maupo sa tabi ng isang lalaki. Oo, isang binatang lalaki, dahil siya lang ang mukhang tao dun. At ng ako’y umupo sa kanya, este sa tabi niya, mukha siyang natuliro, at pinagpasiyahan kong enjoyin ang view sa harap ko, at pati na rin sa tabi ko. (at lalo siyang nabalisa ng kalkalin ko ang bag ko)
At bago pa niya ako sunggaban ay dumating na ang mahusay na si Rosalie.
Ang saya-saya. Kumain kami ng tusok tusok. Nakalimang piraso ako, at halos ilan ba yun na chiken ball at galon galon ng sukang may sibuyas si Rosalie.
Naligo sa ulan kahit buhok lang naming ang nabasa, buwahahaha! At naglakad sa mahusay na Novamall na puro hagdan ang loob! Ang gleng gleng!
“Alam mo, may mabigat aking inaalala,” ang sabi ko. “Yung katulong naming! Nakita kong naka t-back! At may lace! May lace!”
“Bayaan mo na, kahit nga mga lola! E baka active!”
“E pano kung gapangin niya tatay ko?!”
“Eh! Maakit ba naman ang tatay mo sa katulong niyo?!”
“
At tumahimik nako. Ayokong manlait. Bad yun!
Isinakay niya ako sa pila ng jeep. Ilang milenyo na ay di pa napupuno ang jeep, ng lumingo ako, aba! Ang bruhang to! Andito pa! bumaba ako at natakam na naman siya sa tukneneng! Ganado! Isang timbang suka nanaman ang hinigop niya at di mabilang na tukneneng ang kinain! Ay isa lang pala, sabi niya mahihigh blood daw siya. E! sa isip isip ko, isang taon kang nag ulam ng hotdog, di ka na high blood??!!
Nang ako’y makarating sa aming kanto, naglakad ako ng libo libong milya sa ilalamin ng itim na langit. Nagtext ako, “Oi, san ka na? may sumusunod saking aso.”
At sa madilim, as in napakadilim
Malayo, ngunit malapit. Kakontra, ngunit kasundo. Simpleng pagkakaibigan, espesyal na samahan :) Cheers!


No comments:
Post a Comment